To all my fellow Filipinos working in Cambodia right now, please read email advisory from Philippine Embassy in Phnom Penh...
MAHALAGANG PANAWAGAN
Halalan nanaman dito sa ating inampung bayan Cambodia at lahat ng mga tao, lokal man o banyaga, ay umaasang ang eleksiyong ito ay magiging malaya, makatarungan, at higit sa lahat, mapayapa. Ang papalapit na eleksyon ay isang kaganapan ng mga mamamayan ng Cambodia na dapat nating irespeto at igalang. Upang matiyak ang katiwasayan at kapanatagan ng komunidad ng mga Pilipino sa Cambodia, inaanyayahan ang lahat na bigyan ng pansin ang mga sumusunod na paalaala:
· UMIWAS SA MGA POLITIKAL NA PAGPUPULONG NG MGA LOKAL NA MAMAMAYAN NG CAMBODIA, LALO NA SA MGA NAGAGANAP SA PAMPUBLIKONG LUGAR;
· HUWAG MAKILAHOK SA ANO MANG POLITICAL RALLIES;
· HUWAG MAG-SUOT O MAGDALA NG ANO MANG POLITICAL CAMPAIGN MATERIALS;
· IWASANG MAGPA-ABOT NG HATING GABI SA LANSANGAN;
· MAG-INGAT SA PAGBIBIYAHE NGAYONG PANAHON NG HALALAN.
· SUNDIN ANG ELECTION ALCOHOL-BAN SA 26 -27 JULY 2008.
· MAG-REHISTRO SA EMBAHADA AT UGALIING DALHIN ANG INYONG EMBASSY ID AT KOPYA NG INYONG PASAPORTE AT VALID VISA.
· SUNDIN ANG PAG-IINGAT NA NARARAPAT SA INYONG PANINIRAHAN SA CAMBODIA, SA INYONG SARILI AT PAMILYA AT MGA ARI-ARIAN.
HABANG PINAPAYUHAN ANG LAHAT NA MAG-INGAT SA PANAHONG ITO, HUWAG DIN NATING LAHAT KALIMUTAN NA MAGING MAHINAHON AT MAPANATAG ANG LOOB.
Mga contact numbers ng Embassy/staff:
023 215145/ 023 222303
012 850063/ 012 401225/ 012 850043
016 785578/ 016 215521/ 016 217771/ 016 544665
No comments:
Post a Comment