Ang aga aga wala na agad internet connection sa office. Time check 8:36 am, ang start namin dito sa work eh 7:00 am.
Pagpasok ko sa trabaho, una sympreng gagawin i-on ang computer. Well, dahil hindi ko ini-expect ang mga pwedeng mangyari sa buong araw, kailangan ko ng ‘’divine intervention’’ so sympre kailangan tumawag muna ako kay ‘’BRO’’. Favorite kong prayer yong prayer ni St. Francis of Asisi. Lord, make me an instrument of thy peace, where there is hatred let me sow love... I think high school ako when I started to love this prayer. Napanood ko kasi yong movie about sa life ni St. Francis of Asisi at sympre na-amaze ako sa kanya.
Usually, pag upo ko sa harap ng computer open agad ng email sa Outlook, at pag wala naman email na dapat i-reply agad open ko rin muna ang Yahoo Messenger (invisible mode)., ang Friendster at Manila Bulletin. Nakaka frustrate lang kasi sa Manila Bulletin at ang bagal nila mag update ng website nila. Dati mahilig ako mag-PEX (www.pinoyechange.com) kaya lang now hindi na at busy rin sa trabaho. Pag breaktime naman sa tanghali, mas gusto ko magbaon ng tinapay kahit na sa loob lang ng factory ang canteen at dorm namin. Habang kumakain ng tinapay eh youtube mode naman. Super na appreciate ko talaga na maluwag sa office namin ang use ng internet. Ang laking tulong kaya para mabawasan ang homesick, connected ka sa mga online friends, nakaka relax, at sympre updated ka sa mga nangyayari sa mundo.
Weekend na naman pala. Well ang saya pag Sabado kasi until 4 o’clock pm lang ang work naming at usually eh schedule naming ito mag simba, kain sa labas at mag grocery. Pero parang mas gusto ko magsimba tomorrow. Para maiba iba naman ang malanghap kong hangin. Bahala na mamaya kung ano ang magiging mood ko.
Nasa Polangui ang family ko ngayon para sa Thanksgiving mass ng aking brother na ngayon ay ‘’Father’’ na. Yon nga lang ang downside pag nag work ka sa abroad may mga special occasions sa pamilya mo at hindi mo witness. Pwede naman kung sa pwede pero syempre ang mahal kaya ng plane ticket. Well, sige tyaga tyaga na lang muna. Naalala ko, kahapon nga pala nag check ako sa website ng Ayala Life. Wala pa kasi akong insurance, pero merong Philhealth kasi nga required ka pag nag register ka sa POEA. Sumakit ang ulo ko kakabasa ng mga anik anik sa Ayala Life. Nag email na lang ako para maka receive ako ng mas specific na mga details doon sa inquiry ko.
Time check 3:27 ng hapon.
Sure na ako hindi ako magsisimba today. Bukas na lang doon sa chapel sa may Japanese Bridge. Maliit lang yong chapel tapos kailangan magtanggal ka ng sapatos pag pumasok ka sa loob ng church. Ang kagandahan naman ng maliit na crowd pag nagsisimba eh mas intimate ang dating. Ang gagaling nga ng choir doon eh, mga Pinoy din. Well alam mo naman ang Pinoy, hindi papahuli sa kantahan. Antok na antok talaga ako. Ano kaya maulam mamayang gabi. May dalawang lata pa ako ng Century Tuna na pabaon sa akin ni Mama, may 10 pcs. pa akong itlog bili ko nong Sabado. Hmp, sana lang plain ang flavor ng tuna para pwede kong gawin omelet. Actually libre naman ang food dito sa company, kaya lang minsan syempre parang gusto mo tumikip ng ibang putahe. Eh hello kahit third world country ang Cambodia ang mahal kaya ng grocery dito. Kaya naman para tipid, every week, naggo-grocery ako ng 1 loaf na bread. Pwede kasi sya sa breakfast, lunch, dinner, snack at kung gusto mo eh gawin mo pang dessert. Dapat din hindi ako maubusan ng margarine at asukal, nyahahaha... Basta tyaga tyaga lang muna, mapapasaan ba at sa susunod makakakain ulit ako ng clubhouse sandwich...hehehe. O sige na at inaantok na talaga ako, mabuti na lang nakapag laba ako kagabi...
Have a nice weekend sa ating lahat!!!
No comments:
Post a Comment