Tuesday, September 16, 2008

Ang Lufeeeeet...Ang Paiiiiit

Umiiyak ang puso at sa langit nakatanaw.
Pighati ang dulot ng pag-ibig na ligaw.
Nahumaling ng tuluyan sa dulot mong pag-asa
Subalit dapat supilin ng di tuluyang masadlak sa dusa.

Higit pa sa pagpigil ng aking hininga.
Ang pagtalikod sa iyo sa tuwi tuwina.
Ngunit ang isip at sadyang matino pa.
Harapin ang katotohanan at ito ay labanan.

Sabay sa agos ng ating mahiwagang buhay.
Mga pagsubok na minsan di maka agapay.
Subalit hindi sapat na dahilan upang hayaan.
Tuluyang lamunin at mawala sa katinuan.

Salamat sa mga pangaral, Salamat sa mga dasal
Hindi tuluyang landas ay naging masukal
Kapit sa maykapal at pagsambit ng dasal
Sa araw araw sa bibig at isip aking hinihiyaw.

Kung kelan man dumating ang ligayang dulot.
Ng tunay na pag-ibig na langit ang gumuhit.
Panahon lamang ang tanging makakapagsabi.
Kasalukuyan ang pait sa puso pilit iwinawaglit.

No comments: