Tuesday, September 9, 2008

Pagmasdan Mo Naman

Oi kaibigan kelan mo ba huling pinagmasdan,
Ganda ng mundo, handog ng kalikasan.
Pasumandaling tumigil sa pinagkakaabalahan
Iyong damhin samyo ng hangin at sikat ng araw.

Di man kanais nais minsan hanging nalalanghap
Hindi sapat na dahilan upang di magpasalamat.
Sa buhay na bigay ng ating Poong Maykapal.
Sa Pag-ibig na sa puso ay nananalaytay.

Ganid man ang mga taong sa atin ay nakapalibot.
Hindi sapat na dahilan upang tayo ay mag damot.
Maging bukas ang palad at loob sa iyong kapwa
Huwag mithiin na isadlak ni isa man sa dusa.

Pag-ibig na walang dungis ay sadyang matamis.
Pagka pantay-pantay sa lipunan ay aking ninanais.
Panalangin ko ay tatag sa gitna ng sigalot.
Lakas ng loob na tanging sa Diyos ako huhugot.

No comments: