Friday, January 9, 2009

Ang Gulo ng Mundo

bakit ba ang gulo gulo ng mga tao?
di lang magkaintindihan
mamamaya lang ayan na ang patayan.
bakit di na lang i-respeto gusto ng ibang tao?

sabihin na natin na pag prisipyo pinaguusapan
dapat lang naman na ipaglaban.
pero hanggan saan? kahit buhay sa buhay ang labanan,
dapat bang tuloy tuloy pa rin ipaglaban?

panahon pa ni hesukristo mga tao laging nagtatalo.
hindi naman pwedeng pang habang panahon
kay adan at eba isisisi ang puno’t dulo ng gulo.
kailan ba matututo? kailan ba bubukas ang isip at puso.

No comments: