Ang dikta ng puso, minsan di maintindihan.
Kung alin ang di pwede syang ipagpipilitan.
Si Juan ay may Juana na.
Pero bakit si Juanita aali aligid pa.
Puso minsan baliw kung ituring.
Pilit ka nitong lilinlangin.
Mga bagay na mahalaga sa buhay.
Nalilimutan pag pag-ibig ang kumaway.
Masahol pa sa batang iyakin.
Pag puso umiyak at hatiin.
Pag-ibig di tiyak kailan darating.
Hadlangan man pilit pa ring ibabaling.
Lungkot at pighati sa taong nilisan.
Ng tanging pagibig sa kanyang buhay.
Katinuan wari’y mahihiwalay.
Sa tuwing puso mo ay sasablay.
Subalit tunay pag-ibig ay matamis.
Ligayang dulot, hindi maililihim.
Ngiti sa labi ng taong umiibig.
Lungkot di maiisip ligaya nananaig.
Tanging dasal, tanging hiling.
Tunay na pag-ibig aking makapiling.
Sa Diyos ang aking tanging inuusal.
Biyayaan ako ng pinagpalang kasal.
No comments:
Post a Comment