tamad na tamad.
likod lapat na lapat.
madilim kasi kanina.
ayaw ko pa tumawa.
pabalikwas na bumangon.
lalamunan parang tuyong dahon.
diresto sa lababo.
inom, mumog, buga.
bawat umaga.
parang sirang plaka.
iisa ang tugtog.
tyaga tyaga ka muna.
toasted bread sa almusal.
palaman margarine na mura.
sabay budbod ng asukal.
isang tasang kapeng panulak.
ligong parang aso.
tig sasampung minuto.
mabuti na lang may shower.
malas lang laging tapat sa change power.
masaya kung masaya.
isipin lang na magsusuweldo na.
sana lang wag nilang isipin.
na buhay ko ay parang reyna.
No comments:
Post a Comment