Tuesday, August 12, 2008

Mapangahas

humugot ako ng lakas mula sa hirap na dala
pighati at dusa sa damdamin nakatalaga
malugod na tinanggap pangyayari sa twina
umaasang lungkot mapapalitan ng ligaya

ni minsan hindi ko hinangad na makasakit sa kapwa
subalit bakit ayaw tumigil sa iyong pangungutya
bagkus kung ituring aking kapintasan ay sumpa
ni minsan hindi mo ba naitanong perpekto ka bang nilikha?

tikom ang aking bibig sa mga panunya at sumbat
ako ay maghihintay sa tamang panahon at hudyat
hindi ko hahayaan puri at kamay ay marungisan
ng maruming dugo na nananalaytay sa iyong kaibutiran

ang pangalawang pagkakataon kung iyong hihilingin
ni minsan hindi ipagkakait ibibigay ng buong giliw.
iyo lamang pagkatandain aking kaibigan.
maging mapag unawa sa kapwa at, puso ay buksan.

iwasang iliko at sarili ay gawing palalo
magtanim ng kabutihan,punuin ang puso ng kaligayahan
ang pagibig sa dyos at sa kapwa nararapat ipaglaban
tunay na tagumpay sa dyos makakamtan

No comments: