Tuesday, August 5, 2008

May Adik

salat man sa yaman iyong pinagmulan
hindi pumayag pangarap ay hindi ipaglaban
mulat sa katotohan ng hirap buhay
diyos, pamilya at kaibigan ang naging kaagapay

hindi nadadala sa pusok ng damdamin
bagkus sa hirap ng kalooban panlaban ay panalangin
hindi nag-iipon ng galit sa dibdib
paghihiganti ni hindi mabanggit ng bibig

isa kang bituin sa tamang panahon magnining ning
puso mong busilak sa putik huwag isadlak
maraming tao ang sa iyo ngayon nakapaligid
iyong tamang pag kaingatan at iwasan ang mga ganid.

habang ikaw ay umiindayog paitaas
maging mapagmatyag sa iyong landas
hindi maiiwasan mga palasong naglipana.
sa iyong likod maaaring tumama.

masaktan ka man at lumuha ng sumandali
tanging mong alalahanin ang iyong minimithi
ipaglaban ang pangarap para sa pamilya
ipaglaban na sila iahon mo sa dusa

ni minsan huwag kakalimutan tumawag sa itaas
sa kanya ka humingi ng lakas,
hindi upang matutong lumaban sa mga pantas
kundi upang puso mo sa pang unawa mas maging wagas.

No comments: